Monday, April 19, 2010

TSINELAS




Nasubukan nyo na bang maglakad ng walang sapin sa paa? Paganahin nyo ang isip nyo at subukang isipin kung ano ang pakiramdam kapag ganoon?


Mainit sa paa? Kung matindi ang sikat ng araw!


Masakit sa talampakan? Kapag sensitive ang paa!


Mahirap maglakad? Lalo kapag mabato!


Nakakairita?


Nakakainis?


Siguro lahat yan ay pwedeng maramdaman at sa madaling salita, hindi komportable.

Sa tagal ko nang naninirahan sa planetang ito, ang daming tatak ng tsinelas ang mga lumalabas. May mumurahin na sa palengke mo mabibili at may mga mamahalin na sa department store mo naman mabibili.

Unahin nga natin yung mga mumurahin na binibili ng ating mga nanay noong bata ba tayo.




Ø RAMBO – sinong makakalimot sa tatak na ito? Aminin nyo hindi karamihan sa atin ay nakapagsuot nito. ‘Yung makapal na tsinelas na parang sapin-sapin ung sa kulay nya sa gilid. At kung naglalaro ka ng “SIPA BALL” paniguradong panalo ka. Ito yung laro na ipapagulong ung bola at sisipain mo. At kailangan mong pumunta sa base ng nagpagulong. Sa lakas ng pagsipa mo baka makabasag pa ng salamin sa kapit-bahay. Kapag bumaha, maganda itong gamitin dahil hindi mababasa ang iyong paa.

Ø SPARTAN isang manipis na tsinelas. Kulay puti yung tapakan niya at madaling kapitan ng dumi. Minsan kapag pasmado ang talampakan mo, naglilibag ito. At kapag sobra na sa gamit nabubutas yung parte sa paa na mas mabigat. Kahit butas ginagamit pa din.

Ø BEACHWALK – usong-uso kapag summer lalo kapag pumunta ng Beach. (kaya siguro BEACHwalk) Eh paano kapag sa swimming pool lang pupunta? Swimming Walk? Matibay ito kasi daw durable at flexible. Na kahit saang buhanginan mo ilakad matibay at di talaga basta-basta nasisira. At ang maganda dito ay malambot sa talampakan.

Ø ISLANDER – sa nabanggit ko , ito yung medyo CLASS ang dating kasi pangmatagalan ang gamit. Mabasa man o mainitan hindi siya madaling masira. Pwedeng ipanlusong sa tubig, o saan mang putikan na tatagal sa laban. Makapal din siya at malambot. Kaya lang kapag sensitive ang iyong paa lalo’t basa, nagkakaroon ng alipunga sa kasi tela yung lining nya. Mabaho pa naman yun.

Habang tumatagal ang panahon, parang hayop lang din ang tsinelas dahil may evolution.

Ano yun?

Nagbabagong anyo. Mula sa simple, nagiging maganda. At kapag maganda, sumisikat.

At kapag sikat na…

Nagmamahal na…

Ano ba ang leading sa market ngayon na mamahaling tsinelas?

Don’t tell me hindi nyo alam.

Patawa ka naman!



Mga mamahaling tsinelas na mahirap bilhin at madaling bilhin ng may sobrang pera sa bulsa at ng mga taong nakikiuso kahit hindi nila kaya ay pinipilit na bilhin:



  • CROCS – bakit ba CROCS ang tatak? Short for crocodile ba? Ewan di ko din alam. Maganda naman siya kasi komportable daw sa paa. Meron ka ba nito? Usong-uso ito dahil iba daw ang pakiramdam kapag suot na.

  • HAVAIANAS – yung una ay sikat, pero ito na yata yung alam ko na sumikat dito sa Pinas. At kahit sa ibang bansa ito ay top selling sa market. Hmmm. Bakit kaya? Dahil siguro sa mga taong nagsusuot nito. Sa internet nga mga bigating tao at artista gumagamit nito. At nung dinala at ipinakilala sa Pilipinas ang HAVAIANAS, ahmm parang domino effect daw dahil yung mga nasa “MIDDLE CLASS” ang status ng buhay ay nagbilihan. Siguro akala nila kapag sinuot nila ito gaganda ang buong pagkatao nila at mas mahihigitan yung mga nag-endorse nito. Dun sa mga payak lang ang pamumuhay may bumili din nito at nangutang pa. Kaya naman naisip ng mga negosyante na gumawa ng Fake Havaianas na pumatok sa masa.. tatak lang pala gusto..

  • TRIBU – local version ito. Made in the Philippines lang. Pero mabenta din kasi maganda ang pagkakagawa nya. Ginagamit din ng mga adventurer lalo kapag papanhik sa mga bundok. Matibay. Yung sa akin nga 3 years ko nang ginagamit pero buong-buo pa din. Parang gulong ng sasakyan yung suwelas nya.. halatang matibay.

  • SANDUGO – parang tribu lang din. Local pero may dating sa masa. Mura na lang yata ito sa market kasi sa Olympic Village, BUY ONE, TAKE ONE nalang ito. Baka mas pinapasikat nila or marketing strategy lang nila. Astig yung itsura nito kasi medyo bulky yung sa harapan nya. May parang butiki yung icon nila.



Magpapahuli ba ang mga matatanda? Ang alam ko ay hindi dahil may ginagamit din silang tsinelas na para sa kanila ito yung mas mainam na panapin sa paa.



· BAKYA – huwag laitin ang bakya dahil favorite nila yan. Hanggang ngayon ay may bakya. Mabenta pa din sa mga market. Sa lahat ng uri ng tsinelas, Ito ang pinakamatipid sa mga materyales. At environment friendly pa. Dahil ito ay yari sa kahoy… Napakaingay nga lang at pwedeng gamiting self defense ni lola kapag may kaaway siya. Panghampas kay lolo na nahuli niyang nambabae.

· ALPOMBRA – hindi makakaligtas ang alpombra. Isang uri ng tsinelas na malambot at mabalahibo. Masarap at malamig sa paa at nakakarelax. Ginagamit ito para sa mga matatandang may Varicose Vein. Sabi ng iba nakakabawas daw ito ng ugat-ugat sa binti ng mga katandaan. Mainam sa mga nagpapawis dahil sinisipsip ng alpombra ang pawis mo.



Marami na talagang klase ng tsinelas na isa sa mga pang-araw-araw na ginagamit natin.

Iba-iba man ng tatak, ang importante at may isang bagay na proteksyon natin sa ating mga paa.

Na mas magiging komportable tayo at magkakaroon ng kaginhawaan.

Naalala ko tuloy yung RATED K sa channel 2, ABS-CBN, na mayroon silang episode doon na namimigay sila ng libreng tsinelas. Handog nila ito sa mga batang kapos sa kanilang buhay.

Naiisip ko na ang mahalaga sa kanila ay magkaroon ng sapin sa paa upang hindi sila matusok o masaktan sa kanilang paglalakad.

Na mas mahalaga kung ano ang meron sila kahit ito ay simple lamang.

Hindi sila naging mapili.

Kung ano man ang tatak nito, balewala sa kanila.

Ano man ang tatak ng tsinelas mo, tandaan natin na tinatapakan lang natin yan.

At kung may mga buhay ang tsinelas natin, baka galit na sila dahil lagi na lang natin silang tinatapakan.

Sa kabilang banda, ito ay kanilang sakripisyo upang tayo ay paglingkuran…











…..ang nakasulat na ito ay para sa isa kong espesyal na kaibigan na ninakawan ng tsinelas noong kami ay nagswimming. (APRIL 19, Mo

nday 2010 – VIRGONI RESORT) Kahit siya ay nawalan, may bagong tsinelas naman siya ngayon na hindi kasing ganda sa nawala. Naramdaman ko ang hirap mo nung wala kang tsinelas. Lalong-lalo na yung pagkainis mo. Yung takot mo na baka masita ka ng tita mo. Yung panghihinayang mo dahil iyon pala ay pamporma mo.. Salamat na lang din kasi madali mong tinanggap ang pagkawala nito.






…..ito rin ay para sa kaibigan ko na bagong bago ang tsinelas pero hindi nawalan.

…..wala pala sa bago o luma ang tsinelas para ito ay nakawin..

….talagang may dahilan ang lahat kaya ito ay nangyari..


....isang alaala ang naganap.. :)



No comments:

Post a Comment